Limang mga Bawal na Pagkain sa may Rayuma

Limang mga Bawal na Pagkain sa may Rayuma

“Ayos na ang buto buto”, wika nga ng sikat na palatastas noon. Marami ang naka-relate dito dahil marami ring Pilipino ang nakakaranas ng pamamaga, kirot, at paninigas ng mga buto buto. Sa katunayan, ayon sa Philippine Rheumatology Association (PRA), mahigit 5 milyong Pilipinong nasa wastong gulang o isa sa kada anim ay nakakaranas ng arthritis at rheumatism.

Maraming uri ng sakit ang nakapaloob sa Rayuma o “rheumatism” sa Ingles at iba itong maituturing sa Artritis. Ang Artritis ay tumutukoy sa pagkasira at pamamaga ng mismong mga kasu-kasuan samantalang ang Rayuma ay nakakaapekto hindi lamang sa mga kasu-kasuan, kundi pati na rin sa puso, bato, buto, balat, hanggang sa baga.
Ito ang 5 Pagkain na bawal at dapat iwasan ng taong may Rayuma upang masigurado na magiging maayos hindi lamang ang buto buto kundi maging buong katawan.

Asukal: isa sa pangunahing bawal na pagkain sa may rayuma

Ang asukal ay number 1 sa mga bawal na pagkain sa may rayuma. Marami sa mga pagkain ay may Asukal. Tsokolate, cakes, kendi at maging sa mga inumin tulad ng soft drinks. Babala ng American Journal of Clinical Nutrition ito ay dapat iwasan ng mga taong may Rayuma dahil ang asukal ay nagtri-trigger sa katawan upang gumawa ng “inflammatory cytokines” na nagdudulot ng mas masakit na kasukasuan.

Bawal na pagkain sa rayuma: Prito at processed foods

Ang mga frozen, ready-to-eat na pagkain tulad ng Hotdogs, Longganisa, at Tocino ay nilalagyan ng trans-unsaturated fat upang mapatagal ang buhay at maiwasan ang mabilis na pagkasira ng pagkain. Ang trans-fat ay delikado sa katawan at maaring magdulot ng atake sa puso at iba pang kaugnay na karamdaman.

Sa isinagawang pag-aaral noong 2009 ng Mount Sinai School of Medicine, kanilang natuklasan na ang pagbabawas ng pagkain ng prito at processed foods ay makakatulong upang mabawasan ang pamamaga at mabalik ang natural na defense mechanism ng katawan.

Ang mga Processed foods din ay mayroon pang ibang sangkap na masama para sa taong may rayuma tulad ng asukal, refined na harina at saturated fats.

Pagkaing may Ve-Tsin (MSG), bawal kung may rayuma!

Marami sa mga pagkaing Pilipino ay nilalagyan ng Ve-Tsin o Monosodium Glutamate (MSG). Bukod sa ito’y murang alternatibo sa karne, mas nagiging malinamnam din ang pagkain. Bagamat ito ay hindi ipinagbabawal ng U.S. Food and Drug Administration , hindi rin nila itinatanggi na maari itong magdulot ng ibang sakit, tulad na nga ng pag-papalala ng rayuma. Kaya, ang MSG at mga lutuin na meron nito ay bawal na pagkain sa may rayuma!

Red Meat: Masakit sa tuhod kung may rayuma!

Ayon sa isinagawag pag-aaral ng the BMJ sa Amerika na may 537,000 respondente na matatandang nasa edad 50 hanggang 71, natuklasan na mas mataas ng 26 na porsyento ang posibilidad na mamatay sa iba’t ibang sakit ang mga taong kumakain ng mas maraming Red Meat o Pulang karne. Ang mga Red Meat tulad ng karne na galing sa baboy, baka, at tupa ay nagtataglay ng maraming “arachidonic acid”, isang uri ng omega-6 fatty acids na maaring magdulot ng matinding pananakit at pamamaga. Isa hanggang sa dalawang servings lamang kada linggo ang inererekomenda para sa taong may mga rayuma.

Ang mga White Meat tulad ng karne mula sa manok, pato, at isda ay mas mainam dahil mas mababa ang saturated fats na taglay ng mga ito.

Dairy Products

Ang mga produktong mayroon at gawa sa gatas tulad ng keso, butter, yoghurt, at ice cream ay dapat iwasan ng mga taong may Rayuma dahil ito ay nagtataglay ng “casein”. Paliwanag ng Physicians Committee for Responsible Medicine, ang “casein” ay maaring maka-irritate sa mga tisyung nakapaligid sa kasukasuan na magdudulot ng pananakit at pamamaga. Pinapayuhan ang mga taong may Rayuma na umiwas sa mga Dairy Products at maghanap ng mga alternatibo tulad ng mga soy-based products upang matugunan ang mga kailangang bitamina.

KATULAD NA MGA ARTIKULO