Subok Nang Mga Halamang Gamot sa Arthritis

Subok Nang Mga Halamang Gamot sa Arthritis

Maraming mga tao sa ngayon ang nakararanas ng sakit na arthritis kung saan apektado ang kasu-kasuan. Mahirap magkaroon ng ganitong uri ng sakit dahil kahit ang mga taong naka inom na ng gamut ay maari pa ring makaramdam ng matinting pananakit ng mga kalamnan at kasu-kauan na may kasamang pamamaga. Mabuti na lang at maraming mga halamang gamut na maaring makatulong. Ito ay ang mga sumusunod:

Sinaw-sinaw bilang halamang gamot sa arthritis

Ang Sinaw Sinaw o kilala sa scientific name na Peperomia pellucida Linn ay isang mailiit, ngunit matabang halaman na ginagamit bilang pagkain at halamang gamot. Ang halamang ito ay maaaring kainin ng hilaw o luto. Ang Sinaw-Sinaw, ayon sa matatanda ay gamot sa gout at arthritis. Sinasabing nagagamot din nito ang iba pang uri ng pamamaga sa katawan. May mga nagsasabi rin na ang halamang gamot na ito ay lunas sa iba’t ibang uri ng sakit dahil sa taglay nitong mga sangkap tulad ng analgesic o panlaban sa sakit, anti-arthritic panlaban sa sakit dulot ng arthritis at diuretic o pampa-ihi. Ang Sinaw-Sinaw ay nabubuhay ng sagana sa parang, kahit hindi ito inaalagaan. Bagaman ito ay isang ligaw na halaman, may mga taong sadyang nagtatanim nito bilang ornamental plant. Ito kasi ay may makintab, hugis pusong mga dahong talaga namang paborito ng mga sentimental.

Ilaga ang dahon at sanga ng Sinaw Sinaw at pagkatapos inumin ang pinag lagaan nito.Para mas maging masarap maaari mo itong gawing salad. Hugasang mabuti ang dahon at sanga ng Sinaw-Sinaw at lag yan ng iba pang sangkap o gulay.

Luyang dilaw: halamang gamot sa arthritis

Ang luyang dilaw ay may itsura na kahalintulad ng pangkaraniwang luya ngunit nagiiba sa kulay ng laman. Ang loob na bahagi ng luyang dilaw ay madilaw o kulay kahel. Ito ay maliit lamang na halaman at may patulis na mga dahon. May bulaklak din na bahagyang madilaw o maputi. Karaniwan din itong pananim sa mga taniman sa buong kapuluan ng Pilipinas, ngunit orihinal na nagmula sa bansang India. Ang iba’t ibang bahagi ng halamang luyang dilaw ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan: Ang ugat ay mayroong curcumin na nagbibigay ng madilaw na kulay sa ugat at may langis din na tumerone, atlantone, at zingiberone. Mayroon din itong tumerol, d-alpha phellandrene, carvone, camphor, curcumone, fat, starch, resin. Mayroon pa itong mineral na phosphorus at iron, at kaunting calcium. Ang luyang dilaw o turmeric ay may curcumin, isa itong active ingredient na may anti-arthritic at anti –inflamatory properties na mas mabisa kaysa mga non-steroidal anti-inflamatory drugs.

Magpakulo ng isang litrong tubig. Lagyan ng isang kutsara ng turmeric powder at hayaang kumulo ng 10 minuto pa. palamigin at inumin ng 1-2 beses kada araw. Maari rin lagyan ng turmeric powder ang mga niluluto upang makakuha ng dagdag na mga benepisyo. Uminom sa tamang dami. Ang pag inom ng sobra ay makakasama sa kalusugan at maaring makasira ng tiyan.

Pandan: natural na lunas sa arthritis

Ang pandan ay isang uri ng halaman na may sangkap na makakatulong sa pamamaga at pananakit ng mga kasu-kasuan.

Hiwain ng maliliit ang punk ng pandan kasama ang ugat, lagyan ng konting langis at isalang sa mahinag apoy, haluin at bayaang lumamig at gawing pang haplas sa Rayuma.

Ang luya ay halamang gamot sa arthritis

Ang ugat ng luya ay kilalang mabisang gamot sa ibat- ibang uri ng sakit. Ang matapang na amoy nito at taglay na anghang  ay may magandang epekto na nakakabawas sa pamamaga at pananakit ng kalamnan.

Magpakulo ng 1 litrong tubig at ilagay ang luya. Ang regular na pag inom ng pinakuluang luya  ay nakaka tulong upang maibsan ang sakit na dulot ng Rayuma.

Maaari ding dikdikin ang bungang ugat ng luya at lagyan ng langis bago ipahid sa apektadong parte ng katawan na nanakit dahil sa rayuma.

Iba pang mga halamang gamot para sa arthritis

Kogon. Pakuluin ang dahon at ang ugat at inumin ang sabaw katulad ng tsaa.

Kintsay. Dikdikin ang dahon ng kintsay, katasin at inumin ang katas 1 kutsara 3 beses sa mag hapon, gawin ito hanggang nararamdaman pa ang pamamaga at pananakit ng mga kasu-kasuan.

Bayabas. Matagal nang ginagamit ang bayabas sa paggagamot sa maraming uri ng sakit. Ang iba’t ibang bahagi nito ay may mabuting epekto sa ilang kondisyon gaya ng pamamaga ng katawan. Maaring itapal ang dinikdik na dahon ng bayabas sa mga apektadong bahagi ng katawan ito ay makababawas sa pananakit dulot ng rayuma.

Malunggay. Ang isa sa pinaka masustansyang gulay ay ang malunggay ito siksik sa mga bitamina at sustansya na  talagang kailangan ng katawan. Ngunit bukod sa benepisyo nito ng gulay na ito sa nutrisyon, maaaring makapag bigay lunas din ito sa ilang uri ng sakit, tulad na lang ng rayuma. Pakuluan ang mga buto o ng mismong dahon ng malunggay. Hayaang lumamig at uminom 1-2 beses araw-araw. Ang regular na pag inom nito ay makatutulong sa para maibsan ang pananakit ng mga kasukasuan dahil sa rayuma.

Sambong. Mayroong substansyang taglay ang katas ng dahon ng sambong at may mabuting epekto ito lalo na sa pagpapahupa ng pamamaga sa katawan gaya ng sakit na rayuma. Maglaga ng dahon ng sambong Maaring ibabad ang mga paa o ang mga apektadong parte ng katawan sa pinaglagaan ng dahon nang sambong hanggang sa manuot sa mga ito ang katas ng halaman ng sambong.

Yerba Buena. Ang halamang yerba buena  ay may malamig na epekto sa katawan tulad ito ng mint, madalas itong hinahalo sa mga inumin o kaya ay nilalaga. Magpakulo ng halamang yerba buena at palamigin ito. Pwede itong inumin na parang tsaa. ang halamang ito ay mabisa sa pag gamot sa mga namamagang kasu-kasuan at masakit na mga kalamnan, maaring dikdikin ang dahon at tangkay ng halaman at dahan dahang itapal sa mga kasukasuan na nananakit dahil sa rayuma.

Ang mga halamang gamot at mga natural na mga pamamaran na pag gamot ay mas mabuti kaysa sa mga gamot na nabibili sa mga botika. Wala itong side effects at kayang kayang abutin ng bulsa.

KATULAD NA MGA ARTIKULO