Mga Dapat Kainin ng May Arthritis

Mga Dapat Kainin ng May Arthritis

Ano ang arthritis? Arthritis ang tawag sa ibat-ibang kondisyon ng rayuma na may kinalaman sa kasukasuan at nakapaligid na bahagi ng katawan. Napakaraming arthritis ang nakakaapekto sa milyun-milyong tao. Ang mga sintomas nito ay pananakit, pamamaga, at paninigas ng katawan at kasukasuan. Mamaya, malalaman ninyo kung ano ang mga dapat kainin ng isang taong may arthritis.

Kung may arthritis ka, alam mo na siguro na may mga pagkaing sadyang bawal sa iyo. Halimbawa, kung kumain ka ng monggo o anumang uri ng beans, napapansin mong maga agad ang iyong mga kasukasuan na apektado ng arthritis. Ganun din sa pagkain ng matataba o mamantikang mga pagkain. Kaya sa susunod na mga pagkakataon, ikaw na rin ang aayaw sa mga pagkaing bawal, kasi nararamdaman mo ang sakit ng pamamaga every time na kakain ka ng ganitong mga pagkain.

Pero alam mo ba na may mga pagkain pala na dapat kainin ng mga taong may arthritis? May gano’n? Oo! At tatalakayin natin sa artikulong ito ang mga dapat kainin ng may arthritis.

Anim na pagkain na dapat kainin ng may arthritis

Nakakaranas ka na ba ng mga sintomas na nabanggit ko sa itaas? Umabot ka na ba sa puntong hindi ka na makatulog ng maayos dahil sa pananakit ng iyong katawan na dulot ng rayuma? kung ganon, ito ang mga sumusonod na pagkain na dapat kainin ng may arthritis.

Brokoli at repolyo. Hindi lang pala ito masarap isahog sa mga lutuin, mayaman rin pala ito sa compound na tinatawag na Sulforaphane na kung saan pinipigalan nito ang tuluyang pagkasira ng joint cartilage ng ating katawan.

Garlic o bawang. Isa sa mga pangunahing sangkap sa pagkain ng mga pilipino, Napakarami din itong napapagaling na karamdaman at isa lang dito ang Arthritis. Mayroon itong compound na tinatawag na diallyl disulfide na may mabisang epekto sa pag limita sa pagkasira ng cartilage damaging enzymes.

Fatty fish. Tayong mga Pilipino ay mahilig sa isda, kaya naman kung ang hanap ninyo ay mga pagkain na dapat kainin ng may arthritis, Ilagay niyo na sa inyong menu ang mga isdang kagaya ng Tuna, Salmon, Trout at Mackerel.

Vitamin C. Napakaraming prutas ang mayaman sa vitamin c kabilang rito ang bayabas, papaya, bell peppers, strawberries at madami pang iba. Subukan natin ito araw-araw at baka mas mabisa pa ito sa mga iniinom nating mga gamot na pain releiver o pansamantalang pang tanggal sakit.

Turmeric or luyang dilaw. Ayon sa 2012 review ng The International Journal of Molecular Sciences, ang Turmeric ay may compound na tinatawag na curcumin na kung saan ay may mainam na benepisyo sa pag gamot ng chronic inflammatory-related joint diseases.

Tart Cherries. Aratilis ang tawag namin sa prutas na ito na kabilang sa napakaraming uri ng Cherries. Noong kabataan namin ay mas madalas namin itong pag laruan kaysa kainin, pero ito din pala ay kabilang sa anim na dapat kainin ng may arthritis.

Mga benipisyo ng pag ehersisyo sa taong may arthritis

Ano ang unang-unang naiisip ninyo kapag naririnig ninyo ang salitang exercise o ehersisyo? Hindi ba’t ang mga benepisyo nito sa ating kalusugan? Ngunit bakit kaya napakarami nating tinatamad sa bagay na ito? isa na ako dun. Marahil mahirap nga itong gawin kapag mayroon kang arthritis, pero alam niyo bang mas mainam kung lalabanan natin ang sakit nito sa pamamagitan ng ehersisyo? Ayon sa pag aaral, ang pag eehersisyo ay may mabisang epekto sa pag limita ng pananakit ng arthritis sa tuwing aatake ito. Kailangan lang natin labanan ang sakit upang makaramdam tayo ng kaginhawan pagkatapos.

Diyeta, isang mahalagang bagay dapat bantayan ng may arthritis

Nabanggit ko sa unang parte ng artikulong ito ang mga pagkain na dapat kainin ng may arthritis. Hindi ba mas maganda kung malaman niyo rin kung ano naman ang mga hindi dapat. Kapag mayroon kang Arthritis kailangan isaalang alang natin ang ating kalusugan. Dahil ang pagkain ay may mahalagang kontribusyon sa estado ng ating katawan. May kasabihan tayong mga Pilipino na kung ano ang iyong itinanim ay siya ring aanihin. Kaya kung mahilig tayo sa maalat at matatamis na pagkain, mga mamantika at matatabang pagkain, paninigarilyo at grabeng pag inom ng alak, mas maiging itigil na natin ito. Ingatan natin ang ating katawan dahil hindi natin ito pag-aari at sa ano mang oras ay maari itong kunin sa atin.

Ang paninigarilyo at ang arthritis

Mahalagang pag usapan natin ang paksang ito, sa tingin ko’y kasing halaga ito ng mga dapat kainin ng may arthritis at mga pagkaing bawal. Tanong: Nakapagpapalala ba ng arthritis ang paninigarilyo?

Ang sagot ay oo! Kaya isa ito sa mga dahilan kung bakit kailangan mo nang huminto sa paninigarilyo: ang paghinto ngayon din o sa lalong madaling panahon ay makakatulong para maisalba mo ang iyong mga kasukasuan!

Ang isang bagong pag-aaral ay nagpapakita na ang paninigarilyo ay maaaring maging dahilan ng sobrang paglala ng arthritis ng isang pasyente.

Bago ang pag-aaral na ito, hindi pa matiyak ng mga siyentista ang pinaka dahilan kung bakit mas pinahihirapan ng arthritis ang mga taong naninigarilyo.

Ngayon, dahil sa nasabing pag-aaral, natukoy na ng mga dalubhasa na ang paninigarilyo pala ay may malaking epekto sa mismong genetic make up ng tao na nakapagpapalala ng epekto at mga sintomas ng arthritis.

Isa pa, ang paninigarilyo ay naiuugnay ng mga dalubhasa sa mas maraming produksyon ng rheumatoid factor o RF sa katawan, isang sangkap sa dugo na nagsasabi kung ang isang pasyente ay may arthritis.

Base sa mga nadiskubreng ito, ang mga mananaliksik ay naniniwalang ang paninigarilyo ay talagang direktang nakapagpapalala sa pananakit na dala ng arthritis. Nalaman nilang ang mga taong kasalukuyang naninigarilyo ay may mas maraming pinsala sa mga joints kumpara sa mga hindin naninigarilyo.

Kaya ngayon na alam mo na ang mga dapat kainin ng may arthritis, pagsumikapang kainin ang mga ito imbes na umasa na lamang sa mga gamot na nabibili para labanan ang pananakit. Patuloy mong sundin ang mga pagkaing bawal saiyo. Pagsumikapang panatilihin ang regular na schedule ng pag eehersisyo at umiwas sa paninigarliyo. Kung ang lahat ng napag usapan natin ay pagsusumikapan mong gawin, tiyak na mabubuhay ka ng normal, kahit na ikaw ay may arthritis!

KATULAD NA MGA ARTIKULO