Pananakit ng balakang: Rayuma Lang ba Ito?

Pananakit ng balakang: Rayuma Lang ba Ito?

Nakaranas ka na ba ng pananakit ng balakang? Hindi ka ba makatulog dahil sa kirot at pamamanhid nito? Ang pananakit ng balakang ay kadalasang nararanasan ng taong nagkaka edad na, ngunit mayroon ring dumaranas nito kahit bata pa. Ano ano ba ang sanhi ng pananakit ng balakang? Rayuma lang ba ito, o baka kung ano na? Makakatulong saiyo ang artikulong ito.

Ano ang balakang o hip

Ang balakang o hip ay ang mabutong kayarian sa may pang-ibabang hangganan ng gulugod. Kasangkap ng balakang ang paikutan ng ugpungan sa balakang para sa bawat hita ng mga nakalalakad sa pamamagitan ng dalawang paa o panlikod na mga hita ng mga naglalakad sa pamamagitan ng apat na paa. Binubuo nito ang bigkis ng mga pang-ibabang mga sanga (o panlikod na mga sanga) ng sangkabutuhan. Kung minsan, natatawag o nagiging pantukoy din ito sa baywang at lomo.

Ang pananakit ng iyong balakang ay karaniwang dulot ng rayuma. Pero ayon sa mga pag-aaral, ang pananakit ng balakang ay minsan ay may halalim na dahilan. Gayunpaman, kailangan mo munang malaman ang ibat ibang sintomas nito.

Sintomas ng pananakit ng balakang

Kadalasan ang pananakit ng ibaba ng likod ay naituturing mong pananakit ng balakang. Ngunit hindi pala, dahil magkaiba ito ayon sa mga doktor. Upang mas maintindihan mo kung ano ba ang tamang paguuri sa pananakit ng balakang ay dapat mong malaman ang sintomas nito.

May mga pasyenteng nag sasabi na sila ay may sakit na nararamdaman sa balakang ngunit ang ibig sabihin pala nila ay masakit ang kanilang likod o lower back. Ang pananakit sa balakang ay nararamdaman sa mismong lokasyong matatagpuan sa tinatawag na hip joint, o kasukasuan sa may balakang. Ang pananakit nito ay may kasamang kirot, pamamanhid, at kung minsan ay mayroon ring pamamaga.

Mga sanhi ng pananakit ng balakang

Upang malaman ang tunay na kondisyon ng iyong balakang, ay kailangan huwag mong isawalang bahala ito at kung mapupuwede ay magpa konsulta sa doktor kung ang pananakit ng balakang ay paulit ulit at tila ba lumalala. Para magkaroon ka ng ilang ideya, basahin mo ang mga sanhi ng pananakit nga balakang. Narito ang mga sumusunod:

  • Pinsala o injury sa balakang – Ang fracture o pinsala sa balakang ay mas madalas sa mga matatanda na lalo na sa mga taong may osteoporosis, o ang unti-unting pag nipis ng mga materyal sa mga buto. Ang mga sintomas ng pinsala sa balakang ay ang matinding pananakit kapag ikaw nag uunat-unat, bumubuhat ng mabigat, o tumayo ng tuwid.
  • Tindinitis o Bursitis – Ang mga kalamnan ay ikinokonekta ng mga tendons sa kasukasuan. Ang mga tendon ay madaling mamaga kapag nasobrahan ng gamit, lalo na kung ikaw ay gumawa ng nakakapagod na mga aktibidad. Ang isa sa pinaka pangunahing sanhi ng tendinitis, lalo na sa mga atleta ay ang iliotibial band syndrome – ang iliotibial band ay isang makapal na tissue na nakalagay sa iyong balakang papuntang tuhod.
  • Arthritis – Ang arthritis ay isa mga pangunahing dahilan kung bakit may pananakit ng balakang. Ngunit ito ay kadalasang nararamdaman ng mga matatanda. Ang osteoarthritis ay sakit na dala ng wear and tear o resulta ng pagtanda ng mga tao. Ang ball at socket sa kasukasuan ay nag sisimula nang masira dahil sa pag tanda. Ang sakit na dala ng artritis ay kadalasang nararamdaman sa harap ng iyong balakang, dahil sa paninigas o pamamaga ng kasukasuan.
  • Matagal na pag upo o pagtayo – Ito ay isa rin sa mga sanhi ng pananakit ng balakang. Ngunit ito ay nadadaan lamang sa pahinga. Ang matagal na pagkakatayo at pagkakaupo ay maaaring magdulot ng pananakit sa iyong balakang dahil sa hindi nakakapag circulate ng maayos ang iyong dugo.
  • Dysmenorrhea – Ang pagkakaroon ng dysmenorrhea ay sanhi ng pag regla o menstruation ng isang babae. Kapag may dysmenorrhea ka, magiging sanhi ito ng pananakit ng ilang bahagi ng iyong katawan, kabilang na ang iyong balakang.
  • UTI o urinary tract infection – Ang pagkakaroon ng urinary tract infection ay nagiging sanhi rin ng pananakit ng balakang ayon sa mga pag-aaral.
  • Hernia o luslos – Alam mo ba na ang luslos ay maaari ding tumubo sa may bandang tagiliran ng iyong balakang? Ito ay tinatawag na femoral o inguinal hernia, isang klase ng luslos na sanhi ng pagkakaroon ng karagdagan pressure sa tiyan. Ang luslos na ito ay mas madalas sa mga buntis. Ito ay maaari ring magdulot ng matinding pananakit sa balakang.

Iilan lamang yan sa mga simpleng sanhi ng pananakit ng balakang. Ngunit mayroon din namang malalang rason kung bakit panay ang pananakit ng iyong balakang. Pananakit na hindi normal at hindi maipaliwanag at kadalasang paulit ulit. Ito ay maaaring sanhi ng isang malubhang karamdaman. Narito ang mga posibleng sakit.

  • Prostate Cancer – Karaniwang sakit ng isang lalaki na nagsisimula sa edad na 40 years old pataas.
  • Colon Cancer – Isa ring malubhang sakit na sanhi ng pananakit ng balakang. Maaaring tamaan nito ang sinuman. Karaniwan ito sa taong 30 years old pataas.
  • Ovary Cancer o kanser sa Obaryo – Isa pang malubhang sakit na sanhi ng pananakit ng balakang. Karaniwan itong karamdaman para sa mga babae.

Upang maagapan kaagad ang isang posibleng malubhang karamdaman na sanhi ng pananakit ng balakang, ay mas makabubuti ang magpatingin sa isang ekspertong doktor para sa sakit na ito.

Mga gamot sa pananakit ng balakang

Naghahanap ka ba ng lunas para sa pananakit ng iyong balakang? Madalas ka bang uminon ng mga tabletang pain reliever upang maibsan ang pananakit na nararamdaman mo? Ang pananakit ng balakang ay depende sa kung anong sanhi nito. Gayundin naman ang pagamot dito. Kailangan mo munang malaman ang sanhi bago ito gamutin. Kung ang pananakit ng iyong balakang ay sanhi ng isang injury sa paglalaro ng sports ay maaari mo lamang magamot ito sa pamamagitan ng heat treatment o pahinga at mga pain reliver. Ang sobrang pagamit ng balakang sa mga pisikal na gawain ay maaari talagang magdulot ng pananakit nito. Kung ang pananakit naman ng iyong balakang ay hindi maipaliwanag ang sakit ay ditto ka dapat mangamba. Magpatingin kaagad sa doktor upang malaman ang tunay na kondisyon at malapatan ng pangunang lunas.

KATULAD NA MGA ARTIKULO