Rayuma sa paa: Rayuma Ba Pag Namamaga Ang Paa?

Rayuma sa paa: Rayuma Ba Pag Namamaga Ang Paa?

Hindi ka ba makapaglakad ng maayos dahil sa namamaga ang paa dulot ng rayuma? Nadadalas ba ang pagatake nito na nagiging resulta ng iyong pagliban sa trabaho? Ilan lamang yan sa mga problemang hatid ng rayuma, ngunit ang magandang balita ay nakahanda ang artikulong ito upang tulungan ka sa iyong problema.

Ano ang rayuma?

Ang rayuma ay isang uri ng sakit partikular sa mga matatanda, Katangian ng sakit na ito ang pagkakaroon ng mga pamamaga sa mga kasu-kasuan na nagiging sanhi ng kawalan ng kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito ng katawan ng tao. Ang arthritis ay maraming uri, karaniwang tinatawag lamang ng mga matatanda ang anumang pamamagang ganito bilang rayuma.

Ang karaniwang sintomas ng rayuma ay ang pamamaga, pananakit, pamamanhid, at paninigas ng mga kasukasuan at bukong-bukong ng katawan ng isang tao. Nagiging dahilan ito ang paglimita sa paggalaw ng apektadong parte ng katawan partikular na sa paa. Mahirap rin iunat o ibaluktot ang parte ng katawan na inaatake nito.

Napakaraming uri ng arthritis kabilang sa mga klase nito ay ang mga sumusunod:

  • Rayumatoid artritis
  • Septikong artritis
  • Haypertropikong artritis
  • Tuberkolosong artritis
  • Haypotropikong artritis

Ibat ibang parte ng katawan ang maaaring atakihin ng rayuma ngunit paborito nito ang paa dahil sa ang paa ng isang tao ay kadalasang pagod o bugbog sa trabaho.

Rayuma sa paa: Namamaga ang paa

Namamagang mga paa? Marahil dahil yan sa rayuma. Dahil nga sa ang mga paa ang isa sa may pinakamaraming ginagampanang trabaho ay kadalasan itong pagod kung kaya ay karaniwan itong tinatamaan ng rayuma. Sinasabi ng mga eksperto na ang pananakit ng rayuma ay dahil sa reaksyon o problema sa sariling immune system. Ang kondisyong ito ay maaaring makaapekto nang husto sa kakayanan at abilidad ng isang indibidwal na maging produktibo.

Ang pagkakaroon ng rayuma o rayuma sa paa ay sanhi ng pagtaas ng uric acid sa katawan. Ang pagtaas ng uric acid ay may malaking kaugnayan sa lifestyle ng isang tao. Ang paginom ng alak, paninigarilyo at pagkain ng mga pagkaing matataas sa uric acid ay malaking sanhi ng pagkakaroon ng rayuma. Maraming mga gamot ang maaaring makatulong sa taong may rayuma, nariyan ang mga halamang gamot at ang mga medisinang inireseta ng mga doktor.

Rayuma sa paa: Gamot sa rayuma na tablet

Kadalasan, ang rayuma ay isang pangmatagalang sakit (chronic disease). Karaniwan ito sa mga matatanda na kung saan ay mahina na ang resistensya o immune system, ngunit mayroon rin namang mga kaso nito sa mga bata bata pa. Ang panankit na hatid ng rayuma ay ang nagtutulak sa pasyenteng apektado nito na maghanap ng gamot. Nariyan ang mga halamang gamot na mabisa rin sa rayuma, kaya lang, napakaraming mga tao ang hindi lubos na naniniwala sa ganitong pamamaraan ng pag gagamot. Mas pinipili nila ang paginom ng gamot na nabibili sa mga botika o drug store.

Narito ang mga gamot sa rayuma na tablet:

  • Corticosteroids – Ang paginom ng mga ganitong klaseng gamot ay nakakatulong sa pagpababa ng implamasyon na dulot ng arthritis. Mayroon nitong mga tablet, ngunit mayroon rin namang pwedeng i-inject direkta sa mga apektadong parte ng katawan partikular na sa paa.
  • Analgesic – Ang analgesics ay tumutulong upang mabawasan ang pananakit na nararamdaman mula sa arthritis. Kabilang sa analgesics ay ang Paracetamol, Tramadol, Hydrocodone at iba pa.
  • Nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) – Binabawasan ng NSAIDs ang pananakit at implamasyon mula sa arthritis. Kaya lang, ang sobrand pag inom ng ganitong klaseng gamot ay maaaring makasama sa iyong puso. Ang Ibuprofen at Naproxen ay kabilang sa NSAIDs.
  • Hyaluronic acid – Ang paginom ng ganitong klaseng gamot ay nakakatulong na mabawasan ang pananakit at implamasyon na hatid ng arthritis.

Pakatandaan lamang na ang paginom ng mga ganitong klaseng gamot ay nangangailangan ng payo ng isang doktor upang maiwasan ang pagkakaroon ng komplikasyon o side effects. Ang pagsusuri ng doktor sa kondisyon ng pasyente ay nakakatulong sa pagbigay ng tamang resetang gamot na siyang posibleng hiyang sa isang pasyenteng may rayuma. Ang paginom ng gamot na hindi rekomendado ng mga doktor ay maaaring makasira sa iyong katawan partikular na sa iyong kidney.

Dagdag kaalaman, ang paglagay ng yelo sa apektadong parte ng katawan partikular sa paa ay nakakatulong upang mabawasan ang pananakit at mapadali ang paghupa ng pamamaga ng paa. Balutin ang yelo sa isang malinis na tela at ilagay ito direkta sa apektadong paa. Ang taglay na lamig ng yelo ay nakakatulong sa pagpapamanhid ng pamamaga ng paa kaya nababawasan nito ang sakit.

Rayuma sa paa: Mga dapat malaman bago uminom ng gamot

Bago bumili at uminom ng gamot para sa rayuma, may mga bagay na dapat isaisip. Kailangan mo ng sapat na kaaalaman tungkol sa kung anong uri ng rayuma meron ka. Kung kaya ang pagkonsulta sa doktor ay paulit-ulit kong sinasabi dahil ito ay sobrang mahalaga. Ang pagsusuri ng doktor sa kondisyon ng pasyente ay makapagbibigay linaw sa kung ano ang dapat na gamot para saiyo. Kung huwag na huwag uminom ng gamot na hindi rekomendado ng mga doktor.

Bakit ko sinasabi ito? Ang mga uri ng gamot na kagaya ng mga tablet na nabanggit ng artikulong ito sa unang bahagi ay naglalaman at binubuo ng mga chemical substance, bagaman dumaan ito sa matinding pagsusuri at aprobado naman, mayroon pa rin itong mga side effects sa katawan. Ang sobrang paginom, o maling paginom ng ganitong klaseng gamot ay maaaring makasira sa iyong kidney at gayundin sa iyong puso, kung mas mabuti ang sigurado.

Isa pang dapat tandaan, dapat itatak mo rin sa isp mo na hindi lang ang paginom ng gamot ang puwedeng makatulong saiyo. Kinakailangan rin na tulungan mo ang iyong saril. Sa paano nga bang paraan? Isa na diyan ay ang pagbago mo sa iyong lifestyle, kabilang diyan ang mga uri ng pagkain na iyong nakasanayan. Iwasan ang mga pagkaing matataas ang uric acid, iwasan rin ang sobrang paginom ng alak at paninigarilyo. Ika nga, prevention is better than cure. Totoo nga naman, bakit nga ba tayo aabot sa mahabang gamotan kung maari namang iwasan ito.

KATULAD NA MGA ARTIKULO