Mabisa at Ligtas na Gamot sa Rayuma

Mabisa at Ligtas na Gamot sa Rayuma

Madalas bang sumasakit ang mga kasukasuan mo? Siguro, halos hindi ka na makatayo o makagalaw sa sakit ng pakiramdam, ano? Malamang, rayuma na iyan! Ang rayuma ay isang kase ng karamdaman kung saan may pamamaga sa kasukasuan. Ang pamamagang ito nang dahil sa kakulangan sa abilidad na makapag-unat o makapagbaluktot ng naninigas na bahagi ng katawan. Napakaraming iba’t-ibang klase ng rayuma. Nariyan ang nararamdaman sa paa, tuhod, kamay at iba pang bahagi ng katawan. Ano mang parte ang sumasakit, siguradong may gamot sa rayuma na angkop sa espesipikong na kundisyon.

Ang rayuma ay puwedeng maranasan ng lalaki o babae. Sino man ang makaranas nito, ano man ang kaniyang eda, pare-pareho lang ang mga bawal na pagkain. Ilan dito ag ang mani, munggo, at mga gulay na may beans. Ang mga ito ang mga pangunahing bawal kainin ng isang taong nirarayuma. Napakarami pang dapat malaman sa ganitong sakit. Ang pinanggalingan nito, at kung ano-ano ang mga mabisang gamot na puwedeng inumin o ipahid ay mga importanteng impormasyong dapat ay alam mo rin.

Mahalagang impormasyon tungkol sa rayuma

Iba’t-iba ang uri ng rayuma. Sa maraming uring ito, dalawa ang pinaka-karaniwang maranasan ng nakararami. Ito ay ang osteoarthritis o OA, at rheumatoid arthritis o RA. Kahit na parehong nagdudulot ng category ang mga ito at parehong nagdadala ng sobrang sakit na pakiramdam, ang dalawa ay magkaiba dahil ang OA ay resulta ng pagkasira at pagnipis ng cartilage. Samantalang ang cartilage naman ay matatagpuan sa dulo ng magkakabit na buto upang maiwasan ang pagkikiskisan ng mga ito.

Madalas, numinipis o nasisira ang acargilage ng joints dahil sa palaging paggalaw at paggamit ng mga kasukasuan sa napakatagal na panahon. Samantalang sa RA, mismong ang immunte system sa katawan ang sumisira sa lining ng kasukasuan sanhi ng hindi pa malamang dahilan. Ang mga kasukasuan o joints ay binubuo ng mga butong magkahugpong.

Sanhi ng rayuma

Bago subukan ang ano mang sa palagay mo’y epektibong gamot, importanteng alamin mo muna ang dahilan ng pagkakaroon mo ng rayuma. Madalas kasi, ang sakit na ito ay nararanasan ng mga taong may edad na. Kaugnay pa nito, nararapat lang ding may alam ka sa iba’t-ibang klase ng rayuma. Ang mga pinakakaraniwan dito ay rayuma sa tuhod at rayuma sa kamay.

Sa karamihan, ang rayuma ay tinatawag ding ‘gout’. Kung nakaranas ng matinding pamamaga at sobrang sakit ng kasukasuan ng mga tuhod, kamay, at daliri ng mga paa, chances are, ito ay gout. Subalit hindi mo matutuklasang ito ay rayuma nga kung hindi ka kokonsulta doktor. Kinakailangang masusing matingnan ang uric acid sa pamamagitan ng pagsasagawa blood test. Kapag kumpirmado ngang rayuma nga ang sakit, matutukoy m na rin kung ano ang ang gamot sa rayuma ang maaari mong subukan. Alam mo bang mayroong dalawang pangunahing source ng rayuma.

Una, ito ay puwedeng namana sa mga ninuno ng pamilya. Ang ibig sabihin, puwedeng nasa lahi ang karamdamang rayuma sa tuhod o rayuma sa kamay. Pangalawa, ito ay maaaring sa pagkain kinain. Maaaring malakas sa mga pagkaing mataas sa uric acid. Ngunit, alam mo ba kung ano-ano ang mga ito? Kabilang ang gulay gaya ng mushroom and spinach, asparagus at cauliflower. Napatunayan ngang mataas sa uric acid ang mga ito.

Oo nga’t masustansiya ang gulay. Pero sa mga taong naghahanap ng gamot sa rayuma sa kamay at tuhod, hindi ang mga nabanggit ang tamang pagkain. Kung para sa mga nagpapapayat, kanin is their worst enemy, para naman sa mga may rayuma, ito ay best friend. Iyon nga lang, kailangang bawasan ang oatmeals at cereals kung kinahihiligan mo ang mga ito.

Ang mga pagkaing babanggitin ay puwede ring naging dahilan ng pagkakaroon mo ng gout o rayuma:

  • Mga lamangloob tulad ng bituka, atay at utak, atay
  • Sisig
  • Sardinas
  • Beans
  • Dilis
  • Bagoong
  • Mani (lahat ng klase)
  • Patis
  • gravy

Ano nga ba ang mga gamot sa rayuma?

Ano mang uri ng rayuma mayroon ka, alam mo na ang mga sanhi ng pagkakaroon nito. Ngayon, panahon na upang matuklasan ang mga epektibong gamot sa rayuma. May mga indibidwal mas prefer pa rin ang rekomendado at nireseta ng doktor dahil sa bilis ng bisa nito sa kanilang katawan. Sila ay umiinom araw-araw ng gamot sa rayuma na tablet at may mga panahong 2 hanggang 3 beses pa nila ito iniinom.

Base sa pag-aaral, ang epektibong gamot sa rayuma sa kamay o tuhod ay kadalasang kombinasyon ng pagwo-workout, pag-inom ng tablet, at lifestyle change. Kung hindi problema ang pera sa pagpapagamot mo, puwede nang umpisahan ang therapy session kasama ang physical therapist. Madalas, may mga iba’t-ibang ehersisyong nakapaloob sa therapy session na ito bilang gamot ng rayuma.

May mgaindibidwal naman na sumasailalim sa acupuncture para sa mabisang gamot sa rayuma. Marami na ang nakapagpatunay na ang remedyong ito ay nakapagdudulot ng ginhawa sa makirot na pakiramdam. Ang pagpapapayat ay mainam ding gamot sa rayuma. Paano nga ba papayat nang hindi masyadong mag-e-ehersisyo? Kung minsan, ang paggalaw ng sobra ay mas lalo pang nakakapag-trigger ng sakit. Kaya naman mayroong rekomendadong inumin para mabawasan ang timbang.

Mga pamamaraang natural

Kung hindi ka hiyang sa mga tablet o ano pa mang iniinom na gamot sa rayuma, may natural na lunas na maaaring subukan. Mas maige at mabisang gamot sa rayuma ang turmeric o luyang dilaw. Ito ay may taglay na aktibong anti-arthritic elements na tiyak na nakakapagpagaling ng rayuma.

Gamitin ang luyang dilaw sa pamamagitan pagpapakulo ng isang litrong tubig.Ihalo ang isang kutsarang turmeric powder sa kumukulong tubig. Ito ay palamigin at inumin ng 1-2 beses sa isang araw. Puwede rin namang ihalo ang pulbos ng luyang ito sa mga ulam na niluluto upang magkaroon pa ng additional benefits ang kalusugan. Napakabisa ring gamot sa rayuma, sa tuhod man iyan o sa kamay, ang bawang. Mas epektibo ito kung kakainin nang hilaw ang 1 hanggang 2 cloves ng bawang kada araw.

Bagama’t pangkaraniwan na, importante pa rin ang pagkonsulta sa doktor para mabigyan pa ng karampatang lunas ang rayuma. Iwasan ang pag-inom ng gamot nang walang approval ng iyong doktor. Baka mali ang pamamaraan ng pag-inom o paggamit nito na posible pang makapagpalala ng kondisyon.

KATULAD NA MGA ARTIKULO