Ano ang Mabisang Gamot sa Gout?

Ano ang Mabisang Gamot sa Gout?
Spread the love
  • 5
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nananakit ba at namamaga ang iyong mga kasukasuan? Mayroon ka bang rayuma? Baka mayroon kang gout. Upang mas magkaroon ka ng malawak na kaalaman at ma solusyunan mo na ang sobrang pananakit na dulot nito, makakatulong sa iyo ang artikulong ito. Tatalakayin natin kung ano ba ang gout at kung ano ang sanhi ng pagkakaroon mo nito.

Ang gout at mga sintomas nito

Ang gout o kilala rin sa tawag na gouty arthritis ay  isang uri ng sakit kung saan namamaga ang kasukasuan. Karaniwan, ito ay nakakaapekto sa hinlalaki sa paa at sa iba pang mga kasukasuan sa kamay at tuhod. Dahil isa ito sa pinakamasakit na uri ng pamamaga, kadalasan sa mga taong nakakaranas ng gout attack ay umiinom agad ng pain relievers o gamot na nireseta ng doctor. Ang gout ay isang uri ng arthritis, Ang mataas na lebel ng uric acid sa katawan ang nagdudulot ng gout. Kapag mataas ang uric acid ay maaaring mamuo ng crystals sa mga kasu-kasuan o joints at magdudulot ito ng pananakit.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga sintomas ng gout:

  • Matinding sakit sa apektadong parte ng katawan
  • Pamamanhid na may kasamang kirot
  • Pagkati at pagkakaroon ng bukol sa kasukasuan
  • Pamumula, pananakit, at pamamaga ng kasukasuan

Talagang matindi ang dulot na sakit nito. Mayroong mga kasong hindi talaga makakapaglakad ang isang taong inaatake ng gout dahil sa sobrang pamamaga ng paa, at kapag ang kamay at ang siko naman ang apektado ay hindi ito maigalaw ng maayos. Pero ano ba ang sanhi nito? Mayroon rin bang gamot para sa gout? Alamin natin.

Mga sanhi ng gout

Sa paghahanap ng gamot sa isang karamdaman ay maraming dapat isaalangalang. Ang pagamot ay may kasama rin siyempreng pagiwas, kung kaya naman napaka importante na malaman mo kung ano ang sanhi ng iyong sakit ng sa ganun ay maiwasan mo ito at hindi na ulit mangyari. Kaya naman upang makatulong sa iyo ay narito ang ilan sa mga sanhi kung bakit nagkakaroon ng gout ang isang tao.

Ang isang pangunahing sanhi ng gout ay ang pagtaas ng lebel ng uric acid sa katawan ng tao. Kagaya nga ng nabanggit, ang gout ay isang porma ng arthritis. Kapag ang uric acid ay tumaas ng sobra at hindi na ito mailabas ng bato sa pamamagitan ng ihi ay naiipon ito sa iyong dugo at bumubuo ng kidney stones. Ngunit mayroon rin namang mga kaso na mataas ang uric acid level sa katawan pero hindi inaatake ng gout. Gayunpaman, mas mataas pa rin ang chance nilang atakihin kumpara sa mga taong mababa o tama lang ang lebel ng uric acid. Ang pagtaas ng uric acid ng isang tao na nagiging resulta ng gout ay may malaking kaugnayan sa uri ng lifestyle na mayroon ka. Kung matindi kang uminom ng alak ay isa ring sanhi ito. Dagdag pa diyan ang mga klase ng pagkain na iyong kinakain.

Ngayong alam mo na ang pangunahing sanhi nito, alamin naman nating kung anong mga gamot ang maaaring makatulong saiyo.

Mga gamot sa gout

Ang sinumang nakakaranas nito ay walang dapat ipag-alala dahil ito ay madali lamang gamutin sa tulong ng medikasyon at tamang diet. Ang paginom ng colchicine ay mabisang gamot sa gout. Ang colchicine ay isang uri ng medikasyon na ang pangunahing layunin ay labanan at gamutin ang gout. Kahit saang drug store ay nakakabili nito kahit walang reseta ng doktor. Tinatawag rin itong anti gout, kung kaya kapag nalimutan mo ang pangalan ng gamot ay sabihin mo lamang na anti gout ay alam na ito ng pharmacist.

Iyan ay isa lamang sa napakaraming gamot na panlaban sa gout, ngunit mas makabubuti ang pagkonsulta sa isang doktor upang mabigyan ka ng tamang gamot para dito. Mayroon ring mga alternatibong solusyon upang maibsan ang pananakit at pamamaga ng mga kasukasuan sanhi ng gout. Gawin lamang ang mga sumusunod na ito:

  • Ipahinga muna ang mga apektadong parte ng katawan hanggang sa humupa ang pamamaga.
  • Maglagay ng ice pack sa itaas ng naapektuhang kasukasuan upang mahimasmasan ang pananakit at pamamaga
  • Uminom ng pain relief medication upang malunasan ang pananakit

Isa pang paraan upang gamutin ang pag atake ng gout ay ang pagiwas sa mga pagkain na mataas sa uric acid. Sa paraang ito ay mapapadali ang paggaling ng gout at maiibsan kaagad ang pananakit at pamamaga na dulot nito. Upang makadagdag saiyong kaalaman, narito ang mga pagkaing dapat mong iwasan:

  • Mga lamang loob ng hayop.
  • Pulang karne o red meat gaya ng baboy at baka.
  • Piling isda at seafoods.
  • Frustose at asukal.
  • Processed food katulad ng hotdog, mga de lata, junk foods, bacon, at iba pa.
  • Alkohol o alak

Mga halamang gamot para sa gout

Napapagod ka na ba sa pabalik balik sa doktor upang malunasan ang gout? O di kaya naman ay natatakot ka na sa mga maaaring maging epekto sa iyong katawan ng labis na paginom ng gamot na inireseta saiyo. Ginawa ng diyos ang kalikasan na puno ng pagmamahal kung kaya ang mga halamang ating nakikita sa ating kapaligiran ay hindi lang nagpapaganda sa ating mundo, may mga kanyakanya rin silang karamdaman na kayang pagalingin. Kaya kung naghahanap ka at nais mong subukan ang paginom ng mga halamang gamot para sa iyong gout ay narito ang ilan sa mga halamang gamot na dapat mong hanapin at inumin.

  • Uminom ng isang basong tubig na may isang lemon o kaya sampong kalamansi sa umaga.
  • Uminon ng pinaghalong luyang dilaw, luyang natural, tanglad, at pandan. Ito ay nakakatulong sa pagtanggal ng pananakit at pamamaga ng apektadong parte ng katawan. Bukod diyan ay nakakapagpalakas rin ito ng atay at linilinis ang kidney.
  • Uminom ng nilagang kinchay
  • Uminom ng nilagang gotukola
  • Paghaluin ang isang kutsaritang honey sa katas ng apat na pirasong kalamansi at inumin.

Ang lahat ng iyan ay makakatulong sa pagaling ng iyong gout at makakapag pababa pa ng uric acid sa iyong katawan. Sabayan lamang ito ng tamang ehersisyo, paginom ng maraming tubig, at tamang lifestyle ay siguradong makakamit mo ang tamang lunas sa iyong gout.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

KATULAD NA MGA ARTIKULO