Ano Ang Sanhi ng Pamamaga ng Kamay at Paa?

Ano Ang Sanhi ng Pamamaga ng Kamay at Paa?
Spread the love
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi ka ba makagalaw ng maayos dahil sa pamamaga ng iyong paa’t kamay? Apektado ba nito ang iyong hanapbuhay? Ano ba ang sanhi ng mga pamamagang ito?. Kung nais mong malaman ay magpatuloy lamang sa pagbabasa at tatalakayin natin ang lahat sa mga katanongan na ito.

Ano ang pamamaga o swelling?

Ang pamamaga ay ang abnormal na paglaki ng isang parte o bahagi ng katawan. Ang bukol na sanhi ng pamamaga ay dahil sa pamumuo ng tubig sa apektadong parte ng katawan. Ito ay kadalasang may kasamang hapdi at pangingirot, ngunit kadalasang nawawala rin paglipas ng ilang araw depende sa klase ng pamamaga at sa kung anong sanhi nito.

Upang maging mas maging malinaw sa iyo ang pamamaga ay nakasulat sa artikulong ito ang mga ibat ibang sanhi nito. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Ano ang mga sanhi ng pamamaga ng paa?

Ang pamamaga o swelling sa ingles ay maraming sanhi. Nangunguna diyan ang arthritis, injury sa katawan, pamamagang sanhi ng sugat at marami pang iba. Bawat sanhi ng pamamaga ay may karampatang gamot kaya napakaimportante ang malaman mo ang sanhi nito. Mayroong mga pamamaga na sanhi lamang ng simpleng problema kagaya ng aksidente, injury sa paglalaro at mga sugat. Ngunit mayroon rin namang pamamaga na sanhi ng isang posibleng malubhang sakit na kinakailangan ng payo ng isang doktor. Pero paano ba malalaman kung ano ang mga sanhi ng pamamaga? Narito ang ilan sa mga sumusunod:

Malaking problema ang pagkakaroon ng pamamaga ng paa, dahil sa ang paa ay isa sa pinaka importanteng bahagi n gating katawan. Kapag hindi mo magawang maglakad dahil nga sa pamamaga ng paa ay talagang matinding dagok ito para sa iyong pamilya. Bukod sa hindi ka makapagtrabaho ay limitado rin ang iyong paggalaw dahil sa pananakit na hatid ng pamamaga. Kaya ang tanong, mayroon bang gamot para sa pamamaga ng paa?

Mayroong ibat ibang sanhi ang pamamaga ng paa kung kaya’t ang paraan ng pagamot dito ay depende rin siyempre kung anong sanhi. Narito ang ilan sa mga sanhi ng pamamaga ng paa at kung ano ang gamot para dito.

  • Ankle sprain – Ang pagkakaroon ng ankle sprain o pilay ay isang sanhi kung bakit may pamamaga ng paa. Ang ankle sprain ay ang pagunat ng litid na may aksidenteng pagliko ng paa o dislocated ang bukung-bukong. Ang pagkakaroon ng pinsalang ganito ay sanhi ng paglalaro ng isang pisikal na laro kagaya ng basketball o di kaya ay maling pag hakbang. Ang pamamaga nito ay mawawala rin kahit hindi gamutin. Gayunpaman, mas makabubuti ang paglagay ng yelo sa binti upang mapabilis ang paghupa ng maga.
  • Arthritis – Arthritis ang tawag sa ibat-ibang kondisyon ng rayuma na may kinalaman sa kasukasuan at nakapaligid na bahagi ng katawan. Ito ay sanhi ng mataas na uric acid sa iyong katawan. Kapag umaatake ang arthritis, nagiging sanhi ito ng pananakit at pamamaga ng ibat ibang parte ng katawan kabilang na diyan ang paa. Hindi ito nagagamot, ngunit mayroong mga puwedeng inumin na makapagtatanggal ng pananakit at pamamaga.

Ito ang dalawang pangunahing sanhi ng pamamaga ng paa. Mga simleng sanhi na puwedeng gumaling kahit hindi dumaan ng gamotan. Ngunit alam mo ba na ang pamamaga ng paa ay maaaring sanhi rin ng isang malubhang sakit kagaya ng sakit sa puso, bato, at atay. Upang maagapan ang ganitong kaso, komunsulta sa isang doktor kapag mayroong napansin na hindi maipaliwanag na pagmamaga sa iyong paa.

Mga sanhi ng pamamaga gamot sa pamamaga ng daliri sa kamay

Katulad ng sa paa, ang pamamaga ng daliri sa kamay ay mayroon ding ibat ibang sanhi. Ngunit ano man ang sanhi nito ay kailangan kaagad itong magamot dahil sa ang kamay ay napakahalagang bahagi ng ating katawan. Marami kang hindi magagawa kapag nananakit at namamaga ang daliri ng iyong kamay.

Upang mas maintindihan, ano ano ba ang mga posibleng sanhi ng pamamaga ng daliri sa kamay, at ano ang maaaring gamot dito. Narito ang mga sumusunod na halimbawa:

  • Arthritis – Katulad ng paa, ang mga daliri sa kamay ay apektado rin ng arthritis, isang uri ng rayuma na dulot ng gout kapag mataas ang uric acid level ng isang tao. Karaniwan lamang ang pamamaga sa daliri kapag may atake ang arthritis, ito ay dahil sa matinding pananakit ng mga joints ng daliri ng kamay. Walang gamot na makapagpapagaling sa arthritis, ngunit may mga inumin na makakapagpigil sa mga komplikasyon nito.
  • Osteoarthritis – Isa pang uri ng arthritis. Karaniwang mga buto ng isang tao ang inaatake nito at kabilang diyan ang mga buto sa daliri ng kamay, kung kaya’y nagiging sanhi ito ng pamamaga ng daliri. Ito ay karaniwang pangmatagalang sakit ng mga matatandang may edad na 50 years old pataas. Ang gamot sa ganitong karamdaman ay nangangailangan ng reseta ng isang doktor.
  • Edema – Ang edema o pamamanas ay isa pang sanhi ng pamamaga ng mga daliri sa kamay. Ang edema ay ang pamumuo ng excess fluid sa body tissues ng katawan isang tao. Isang sanhi sa pamamaga ng daliri sa kamay. Ang kadalasang nakakaranas ng pagmamanas ay ang mga babaeng buntis.

Sobrang pagamit ng kamay at paa sanhi ng pamamaga ng paa at daliri sa kamay

Likas sa mga Pilipino ang pagiging masipag, masipag sa trabaho at sa kahit anumang gawain. Kaya naman kadalasan sa sobrang pagkaabala sa araw-araw na mga gawain at paghahanap buhay ay nakakalimutan na ang sapat na pahinga. Napakaimportante ng pahinga sa isang tao, ang pagkakaroon ng sapat na pahinga ay nakatutulong sa pagrestore ng mga napagod na buto at mga ugat dahil sa maghapon na pagkayod para sa pamilya. Ang ating mga kamay at paa ay ang may pinakamaraming trabahong ginagampanan, kaya naman ang sobrang pagamit ng dalawa sa pinakaimportanteng bahagi ng katawan ay isa ring sanhi sa pananakit at pamamaga ng mga ito. Kaya naman para maiwasan ang ganito, ay kailangan maglaan ng sapat na oras para magpahinga.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

KATULAD NA MGA ARTIKULO