Pansit-Pansitan Bilang Pinakamabisang Gamot sa Uric Acid

Pansit-Pansitan Bilang Pinakamabisang Gamot sa Uric Acid
Spread the love
  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa na ang uric acid o gout sa mga pinaka-ordinaryong sakit ngayon. Baka nga ikaw ay dumaraing na rinse sakit na ito. Marami sa mga Pinoy sa panahong ito ang nakakaranas ng ganitong karamdaman. Ito marahil ay dahil sa kanilang mga kinakain. Kadalasan, maririnig sa mga usapang uric acid ang mga maling kinakain at iniinom bilang pangunahing dahilan ng pagkakaroon nito. Subalit paano nga ba ito malulunasan. Mayroon bang gamot sa uric acid na puwedeng subukan?

Karaniwang itinuturing na basurang kemikal ang sakit na ito na madalas makita sa katawan ng isang tao. Naiipon ito sa tuwing tinutunaw ng digestive system ang isang kemikal na tinatawag na purine. Ito ay makikita sa mga pagkain katulad ng atay at mushroom. Karaiwang nililinis ang uric ng mga batong matatagpuan sa dugo. Inilalabas ng mga ito sa katawan ang uric acid sa pamamagitan ng ihi.

Paano nagkakaroon ng uric acid o gout?

Alam mo ba kung ano ang uric acid? Ang sobrang taas ng uric acid ay maaaring maipon sa iyong katawan. At, kapag naipon ito sa loob lamang ng napakaikling panahon, ang kondisyon ay nauuwi sa sakit na kilala sa medical term na ‘hyperuricemia’. Kaugnay nito, ang sobrang taas ng konsentrasyon ng uric acid sa ating dugo ay maaaring maging uric crysta. Kapag tumagal, ang uric crystal na ito ay maaaring maimbak sa mga malalambot na tissue at hugpungan ng mga buto. Ang mga naipong ito ay may mala-karayom na kirstal ang itsura. Ito na ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng sakit ng gout.

Ang gout ay kilala rin sa tawag na gouty arthritis. Ito ay isang sobrang sakit na uri ng arthritis na nagiging dahilan ng pagtaas ng konsentrasyon ng uric acid sa katawan. Ang sobrang sakit na pag-atake ng mga gout symptoms ay puwedeng magmula sa paa, partikular na sa hinlalaki. Ang ganitong karanasan ay isa sa mga sintomas ng uric acid. Maaari ring mamaga ang mga sakong, braso, siko at tuhod. Ang ganitong mga klase ng sakit ay puwedeng magtagal ilang araw sa mga unang yugto pa lamang ng sakit.

Puwedeng magtagal ang sakit sa uric acid habang lumalala ang kundisyon. Kaya naman dapat na itong maagapan at gamutin sa simula pa lamang na maramdaman ang sintomas. Nagtatanong ka na marahil kung anong mabisang gamot sa uric acid ang makatutulong na panimulang lunas. Epektibong pamamaraan ang halamang gamot sa uric acid dahil ito ay garantisadong ligtas kung susubukan. Ang ganitong uri ng medikasyon ay walang halong kemikal kaya hindi na kailangan pang mag-alala sa allergic reaction.

Napaka-importanteng gamutin kaagad ang uric acid. Base sa mga pag-aaral, kung ito ay hindi kaagad magagamot, maaari na itong permanenteng makasira sa mga kasukasuan at bato sa katawan. Ang uric acid ay mas karaniwang nararanasan ng mga kalalakihan partikular na ng mga lalakeng may edad 40-50 taon. Ayon din sa mga pananaliksik, mayroon nang mahigit anim na milyong taong may edad na sa buong mundo ang na-diagnose na may gout o may mataas na uric acid.

Mga sanhi ng uric acid?

Katulad ng nabanggit na, ang uric acid ang nagiging dahilan kung bakit ka nagkaroon ng gout ang isang tao. Ang karamdamang ito ay kinokonsidera ngang basura sa katawan na kailangang ilabas sa pamamagitan ng pag-ihi. Pero kung ito ay iiihi nang maayos, o mabilis na makakapag-imbak ang katawan ng uric acid, malaki ang tsansa ng pagkakaroon ng karamdaman.

Agapan na ito bago pa man lumala. Mas mabuting ikaw ay may alam tungkol sa paggamit ng mga halamang gamot sa uric acid. Pero bago rito, mahalagang alam mo kung ano ang mga sanhi ng may mataas na uric acid. Narito ang ilan:

  • Kapamilyang may mataas ding uric acid
  • Mabilis tumaba o sobrang timbang
  • May kasalukuyan nang karamdaman gaya ng sakit sa bato
  • Malakas sa pag-inom ng alak at iba pang katulad nito
  • Pag-inom ng gamot na nagiging dahilan ng paglabas ng ihi
  • Base naman sa pag-aaral, ilan sa mga major na sintomas ng gout ang:
  • Matinding sakit ng kasukasuan na umaabot hanggang 24 oras
  • Sobrang sakit ng katawang tumatagal nang ilang araw
  • Namamaga at namumulang kasukasuan

Mga epektibong panlunas sa uric acid

Kung may may uric acid ka ito ay imposibleng gumaling kung hindi ka iiwas sa mga bawal sa may uric acid. Hindi ka rin gagaling hangga’t hindi ka pa nalalapatan ng gamot na nakakapagpa-normal ng uric acid. Isa na sa mga pinakamabisa ang halamang gamot sa uric acid. Mahalagang alam mo kung ano ang normal o tipikal na dami ng uric acid sa iyong katawan at ito ay hindi dapat lumagpas sa 6 milligrams per deciliter. Ang totoo niyan, wala pang panlunas na nadidiskubre para sa sakit na uric acid.

Hindi man ganap na nalulunasan ang nasabing karamdaman, ang pag-inom naman ng angkop na gamot ay nakatutulong na maging normal ang bilang ng uric acid. Nakakatulong ito para makontrol ang paglala ng sakit. Ang pagpunta sa doktor ang pinakamabuting gawin para maagapan ang pagdami ng uric acid sa katawan. Bukod pa rito, ang mag-ehersisyo araw-araw bilang isa pang paraan para maiwasan ang pag-atake at pagsumpong ng sintomas ng gout o uric acid. Iwasan na rin ang mga pagkaing bawal sa may uric acid.

Pansit-pansitan: Mabisang gamot sa uric acid

Kung maghahanap ka ng mga babasahing nagsasabi ukol sa mga gamot sa uric acid, halos wala kang makikitang partikular na gamot lalo na ng halaman. Pero ang pinaka-ordinaryo at kalimitang lumilitaw sa mga search engines ay ang halamang pansit-pansitan. Base sa mga pag-aaral, ito ang pinakamabuting halamang gamot sa uric acid. Ito rin ay mabisang gamot para sa sakit sa bato.

Ito ay herbal na halamang kalimitang tumutubo sa mamasa-masa at malilim na paligid katulad ng gilid ng bahay, ilalim ng puno, kanal, dingding at paso ng halaman. Ang pansit-pansitan ay pakalat-kalat lamang na parang damong-ligaw kaya napakadali nitong hanapin.

Siguruhing tama ang mga pinipitas na halaman bilang gamot sa uric acid. Para malaman ang itsura, ang pansit-pansitan ay berdeng dahon na puso ang hugis. Ito ay may mga maliliit na buto na animo’y nakakapit sa sangang hugis pansit. Ang nasabing sanga ay matatagpuan sa tuktok ng halaman. Kahit na naturingang damong ligaw lamang, ang pansit-pansitan ay isa sa mga aprubado at rekomendadong halaman ng Department of Health (DOH). Ito rin ang madalas na ginagamit para sa gamot sa rayuma o arthritis.

Isa man ang halamang gamot sa uric acid pero ito tiyak namang pinakamabisa sa lahat. Madali rin itong matagpuan at hindi na kinakailangan pang gumastos at bilhin. Higit sa lahat, kumonsulta muna sa doktor para makasiguro sa kondisyon ng kalusugan.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

KATULAD NA MGA ARTIKULO