Mga Dapat Malaman Tungkol sa Sakit sa Tuhod

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Sakit sa Tuhod
Spread the love
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nakakaramdam ka ba ng sakit sa tuhod? Mukhang sign of old age na iyan ah! Hindi ba ito ang kalimitang biro ng mga nakararami sa tuwing magrereklamo kang masakit ang tuhod mo? Tila nga hindi na yata maikakaila pa kapag nagkakaedad na dahil sa pagdanas ng rayuma o masakit na tuhod. Kung dati, napakadali na para sa iyo ang mag-akyat-baba sa hagdanan at maglakad ng malayo, at wala kang iniindang ano mang sakit, at ngayon ay may rayuma sa tuhod ka na, sadyang napakahirap nang humakbang.

Ang pananakit ng binti at tuhod ay talagang senyales na nga ng pagkakaroon ng sakit na rayuma. Pero alam mob a kung ano talaga ang karamdamang ito? Importanteng may alam ka sa mga sintomas, senyales at panlunas sa sakit na ito. Baka kasi ang inaakala mong simpleng sakit lang ay isang malalang rayuma na pala. Mahalaga ring may sapat na impormasyon kang alam tungkol dito dahil bala mali rin ang gamot na iniinom mo o panlunas na ginagawa mo.

Ano ang sakit sa tuhod?

May iba’t-ibang uri ng rayuma o sa Ingles, arthritis. Subalit ang dalawa sa pinaka-malimit na nararanasan ng tao ay ang osteoarthritis o OA, at rheumatoid arthritis o RA. Magkaparehas man ng kategorya sa arthritis at magkaparehong nagdadala ng sobrang sakit na pakiramdam, ang OA at RA ay nagkakaiba dahil ang una ay resulta ng pagnipis at pagkakasira ng cartilage na natatagpuan sa dulo ng dalawang butong magkarugtong upang huwag magkiskisan ang mga ito.

Madalas, numinipis o nasisira ng joint ang cartilage dulot ng madalas na paggamit o paggalaw ng mga kasukasuan sa napakahabang panahon. Dahil trabaho ng tuhod na saluhin ang majority ng bigat ng katawan maliban sa paggalaw nang madalas ay isa sa malimit na atakehin ng osteoarthritis. Ang rheumatoid arthritis naman, ay issue rin sa kasukasuan subalit ang sanhi ng sakit ay ang immune system mismo sa katawan na umaatake sa lining ng kasukasuan. Hindi pa matukoy ang tunay na dahilan kung bakit ito nangyayari.

Katulad ng mga nabanggit, ang mga kasukasuan ay binubuo ng dalawang magkahugpong na buto. Maayos ang paggalaw ng bawa’t isa sa mga joints dahil sa suporta ng mga pumapalibot dito katulad na lamang ng synovial membrane, bursa, cartilage, synovial fluie, ligaments at tendons. Kapag nawala sa normal na posisyon o nasira ang isa sa mga supports na ito, makakaramdan ng pananakit at iyon ang nagiging sakit sa tuhod or arthritis sa tuhod.

Pag-iwas sa sakit ng tuhod

Naghahanap-hanap ka na marahil ng mga paraan at impormasyon kung anong gamot sa sakit ng tuhod ang paaari mong gawin at malaman. Ano nga ba ang panlunas para sa sakit sa tuhod? May good news at bad news diyan . Unahin natin ang bad news. Wala naman kasi talagang partikular na gamot sa masakit na tuhod. Ang good news naman diyan ay, may mga maaaring gawin para maibsan ang sakit ng pakiramdam. Pero dahil magkakaiba nga ang arthritis o sakit sa tuhod, iba-iba rin ang gamot o pamamaraan. Para sa OA o osteoarthritis:

  • Panatilihin ang sapat o tamang timbang. Kung overweightka, mabuting magbawas ng timbang habang maaga pa bago pa man sapitin ang mas malala o delikadong sakit. Ang sobrang katabaan ay nagdudulot ng mas maraming puwersa sa mga kasukasuan gaya na lamang ng balakang, tuhod, at paa na siya namang nagdadala ng kabuuang bigat na mayroon ang katawan. Ang cartilage na siyang shock absorber ng ating mga buto ay nasisira o numinipis kapag puwersadong-puwersado na sa trabaho.
  • Mag-exercise. Importanteng malakas ang kalamnan ng paa mo lalo na ang mga muscle na natatagpuan sa harapan ng iyong hita. Mapapalakas mo ito ito sa pamamagitan ng ehersisyon, partikular na ng squatting. Puwede ring gawin ang iyong paboritong sports, ano man ito, bilang regular workout.
  • Mag-ingat palagi para maiwasan ang ano mang injury gaya ng sakit sa tuhod. Importanteng alam mo kung ano ang mga tamang pamamaraan bago pa man simulant ang isang ehersisyo o sport. Ilan sa mga ehersisyong ito maaaring gawin ay ang stretching, warm-up at dool-down. Dapat ay tama ang kasuotan sa paa habang ginagawa ang mga ito.
  • Kumain ng mga pagkaing rich in omega-3 fatty acids, at Vitamins C at D. Hindi man diretsahang nasabi sa mga pag-aaral na may mga pagkaing makakapagpagaling ng OA, ang mga nabanggit namang nutrients ay nakakatulong par mabawasan ang pananib at mapigilan ang paglala ng karamdaman.
  • Iwasan ang pagbubuhat ng mabigat. Kung may kailangang buhatin, humingi ng tulong sa kasama upang maging kalahati lamang ang bigat na bubuhatin.
  • Iwasan ang pag-akyat-baba sa hagdanan nang palagi. Malaki ang dinadalang stress sa tuhod kung ikaw ay palagiang gagamit ng hagdan.
  • Iwasaan ang pagtayo o paglalakad nang matagal. Paminsan-minsan ding umupo at magpahinga. Tandaang mas nare-relax ang tuhod kapag ikaw ay nakaupo.
  • Para sa mga babae, huwag munang magsuot ng high-heeled shoes. Nagdadagdag ng stress sa tuod ang pagsuot ng ganitong klase ng sapatos.

Panglunas sa sakit sa tuhod

Pangmatagalan ang sakit sa tuhod partikular na ang osteoarthritis. Ang ibig sabihin nito, ang pagkasira ng kasukasuan ay hindi na muli pang maibabalik pagdating sa anyo nito, gaya ng dati. Pero mayroon pa rin namang panglunas para rito na naka-focus amang sa paggamot ng mga sintomas katulad na lamang ng paninigas, pamamaga at pagsakit. May mga konserbatibong paraan gaya ng lifestyle change. Panaho na para baguhin ang pang-araw-araw na aktibidad.

Maging aktibo at dalasan ang pagkilos para maiwasan ang sakit sa tuhod. Ang physical therapy ay sigurado ring malaki ang maitutulong para maibsan ang sakit at discomfort na dala ng osteoarthritis. May ilan, kapag malala na ang sakit na nararamdaman, ay sumasailalim na sa operasyon kung kinakailangan. Dapat lang tandaan na pinakamainam pa rin ang pagkonsulta sa doktor para makasiguro sa kalagayan ng kasukasuang sumasakit.

Ang doktor pa rin ang nakakaalam kung ano ang dapat mong gawin sa oras ng pagsakit ng tuhod. Alam niya kung kailan dapat magsagawa ng tests at kung kinakailangan, sumailalim na sa isang operasyon. Importante ring bago uminom ng pain relievers, alam ng doktor kung ano ang gamot na iinumin upang makasiguro sa kaligtasan ng pag-inom nito.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

KATULAD NA MGA ARTIKULO